ANG SIMBAHAN NG BANAL NA KRUS

 

(Isinalin sa Wikang Tagalog ni abogado Josephus B Jimenez, Langin, Ronda, Cebu)

 

Ang “RUDE” o “ROOD” ay isang iumang salitang nangangahulugang KRUS kung saan ipinako ang ating Panginoon.

Ang unang simbahan sa pook na ito ay itinatag ni Haring David I noong taong 1129 subalit ito’y napinsala dahli sa sunog noong 1406. Di nagtagal pagkatapos noon, ang kanyang Kamahalang LORD CHAMERLAIN ng Scotia ay nagbigay ng kautusang nagpatayo ng panibagong simbahan at kasama ng Nave, ang South Aisle at Torre ay natapos noong 1414. Ang bahaging ito ng simbahan kasama ang mga bilugang mga haligi na maka-Scotia, ang mga arko na Gothic at panimulang atip na gawa sa oak timber lahat ng itong makikita ngayon, ay tulad din ng unang anyo kahit ito’y dumaan na sa maraming pagsasayos.

Dahil ang Simbahan ay hindi gaanong kalakihan at hindi ito sapat sa laki ng Kongresgasyon, ang Koro (na nasa silangang bahagli) ay pinagawa sa pagitan ng mga taong 1507 at 1546 sa mga local na mga manggagawa sa lialim ng masiglang pangungulo ni John Coutts, ang Maestro Mason.

Noong taong 1656, dahil sa pagbabangayan ng dalawang nagkatunggaling Ministro ng Simbahan at ang kanya kanyang tagapagsunod, ang Sunguniang Bayan ay nagpasyang magtayo ng partisyon bilang pagitan ng simbahan at ang dalawang panig ay tinaguriang Simbahang Silangan at Simbahang Kanluran at bawai isa ay may kanyang sariling Ministro.

Noong taong 1935, ang dalawang panig na nagtunggali ay nagkabalikang loob at nagkabuklod muil sa pamumuno ng lisa lamang na Ministro, at ang pader na namamagitan sa dalawa ay binuwag noong pangkalahatang pagsaayos ng Simbahan simula ng 1936 hangang 1940. Sa pagkakatoong yaon, ang dalawang maikling transepto ay pinahaba. Ang groined na atip ay isinagawa, ang sahig ng sacristiya at koro ay itinaas at ang vestro at ang Bahay Sanggunian ay itinayo sa lialim ng palapag ng koro.

Dagdag nito, ang pagpaayos ng gusali ay pinapatupad noong taong 1965 at 1968, at mayroon pang lalong higit na pagbabagong-anyo, simula ng faong 1981 hanggong 1993. Lahat na ito ay nagkahalaga ng £1,250,000.

Ang kanyang Kamahalan, Mary, Reyna ng Scotia ay sumamba sa simbahang ito at ang tanyag na John Knox ay nagpapahayag at nangangaral sa salita ng Diyos ditto. Ang musmos na anak ni Reyna Mary na si James VI ng Scotia, na naging James I ng Englatera ay pinutongan ng Korona dita noong Hulyo 1567, Ito’y nagpapahiwatig na ito ang bukod tanging simbahan buong sa Scotia na sinasagawaan pa rin ng pananamplataya, bukod sa ito’y pinagdadausan ng pagkorona ng hari.